weorð

weird is worth it

Your Love is Better than Star Cinema’s Idea of Romance

Ilang ulit na kitang iniwan at pinagpalit

Pero ang mga sagot mo sa akin

dinaig pa ang pag-iibigan nina

Basya at Popoy

Paano ko ba pwedeng sukatin

ang Iyong walang hanggang pagtingin

Paulit-ulit, kung saan-saan ako naghanap

pati dagat ng kapariwaraan, sinuong ko.

Pero anong sinabi mo

“Return Oh faithless child.

I will heal your faithlessness.”

Aakuin mo pa pati ang kahihiyan ko

“The shame of your youth you shall forget,

For He who has become your husband is your Maker”

Bakit mo ako mahal?

Anong kaya kong ibigay na wala Ka?

Ang pag-ibig mo ni hindi ko kayang ma-i-pinta

o i-tala sa librong may hangganan ang mga pahina

bakit mas alam mo pa ang nilalaman ng puso ko

sino ako na pinag-uukulan mo ng panahon

Bakit hindi ka man lang gumawa ng eksena

tanungin mo ako sa iyong pagtatampo

“Paano naman ako?” Kunin mo ang para sayo!

Bantaan mo ako. Isigaw mo, agawin mo ang para sayo.

Binago mo ang laro ko.

Ang buhay na hinihingi ko sa iba

walang pag-aalinlangan mong inalay

Hawak-hawak mo ang puso ko

na laging nagdadalawang isip na sumuko

Ikaw na hindi scripted magmahal

kahit walang kamera, nagpaparamdam ng iyong tanging pagsinta

hindi ko na kailangan pang sabihing ‘sana ako na lang, ako na lang ulit’

Ikaw, ang Leading Man mapa-prime time, bad time, in time, sometime,

hanggang end credits o part 12 ng isang nakakasawang sequel.

Ito pala ang tunay na pag-ibig.

Advertisements

Single Post Navigation

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: